Monday, October 02, 2006

that was the worst week... ever.

last week was full of crap.

i really prayed for some things i wished not to happen, but i guess it wasn't enough.

wednesday night:
ang lakas ng ulan. kinabahan na ko agad sa mga pwedeng mangyari. a week ago pa lang wish ko nang wag mag-brown-out at umulan sa party ko.. wala si room mate. i cried myself to sleep.

thursday:
nagising ako ng madaling araw dahil bukas ung ilaw sa kwarto. pagtingin ko sa labas, umuulan pa rin. pinatay ko ung ilaw tapos sabi ko sana pag-gising ko ulit, wala nang ulan.
pagka-gising ko, mas lumakas pa ung ulan. malakas rin ang hangin. brown out. noon pa lang alam ko na ang mga susunod na eksena. lumabas ako ng kwarto, andun din ung ibang dormates ko. may karamay ako. walang pagkain. bumalik ako sa kwarto at sinubukang matulog ulit. lumakas na naman ung ulan, medyo pumapasok na ung tubig sa bintana ng kwarto. binuksan ng dormates ko ung pinto sa kwarto namin para tingnan kung ok lang ako. binigyan nila ko ng basahan. tinulungan nila kong punasan yung tubig sa kwarto. pagkalipas ng ilang oras, humina ung ulan. bumalik ako sa kama at sinubukang matulog muli. sana panaginip lang ang lahat.

maya-maya, kinatok ako ni donna at kay sa kwarto. niyaya nila kong umuwi. wala nang bagyo nun. pumayag ako dahil iniisip ko ung bahay namin... at yung party ko. drained na ung cellphone ko. umalis na kami. ang hirap humanap ng masasakyan.. hindi ko na ikkwento lahat dahil ayoko nang maalala ung ibang nangyari. basta na-stranded kami sa pansol, inabot ng gabi. salamat kina kuya Howie, sinundo nila kami dun. pero bumalik kami sa dorm. Nabigo kami sa pag-uwi. sana panaginip lang ang lahat.

friday morning:
gumising ako na nsa kwarto ni kay, kasama siya, si donna at si yhen. sama-sama na kaming natulog nung gabi. kailangan na naming makauwi. nag-bus at jeep na kami pauwi. bandang tanghali nasa bahay na ako. brown out.
i was deeply hurt. hindi dahil brownout. hindi dahil walang tao sa bahay. dahil yun sa mga nakita ko sa bahay na nagpaalala sa kin ng isang bagay na hindi ko alam kung mangyayari pa. ang party ko. sana panaginip lang ang lahat.

saturday:
brownout pa rin. pero tanggap ko na ang lahat. ganun ata talaga. umuwi si ate jet. kumpleto kami sa bahay, wala lang si mama. ok na ko nun. hindi na muna ko nag-isip-isip. malulungkot lang ako. sana panaginip lang ang lahat.

sunday:
a very unproductive day. simula nung nag-brown-out wala pa kong nagagawang matino. haaay. hindi ako makatulog nung gabi. tapos, biglang nagka-kuryente! praise God tlga.. ang saya-saya ko nun. totoo na to, hindi to panaginip.

tapos kanina, galing akong LB.. inalam ko kung totoo ung balitang walang pasok. tapos kumuha na rin ako ng gamit pang-review. iba ang mukha ng Los Banos nung nagpunta ako kanina. wala halos tao sa dorm. nawala na ung mga punong nagbibigay ganda sa kalsada. wala na ung mga ngiti sa mga taong nakakasalubong ko araw-araw. iba ang timpla. iba talaga.

anu mang nangyari, thankful pa rin ako.. promise.. kasi ok na ko ngaun ehh.. sana lang ok na tlaga ang lahat.. sana walang mangyaring masama. sana rin pagbalik ko sa susunod na linggo sa Los Banos, makita ko ulit at maramdaman ung saya dati. ung lugar na parang tahanan ko na rin.

i know God has His reasons... and i know it's for the better.

No comments: