Sunday, March 16, 2008

palm sunday.

kahapon (March 15, saturday) nagpunta ulit ang warmbloodedz and friends dito sa bahay.. =) hehe.. I really missed them, kasi Valentine's day ko pa sila huling nakasama. Siguro mga past 3pm nung dumating sina Kristin, Eggie and Patrick. may dalang sasakyan si pat. tapos I prepared our merienda na nagustuhan naman nila. :) maya-maya, dumating na din si Jerald and Pj, and I served them snacks as well.

When it was about 5:30pm, we went to my Dad's store in Juana 3. Bumili kaming shake and barbeque.. :) yummy.. Dapat nga halo-halo eh kaso wala na daw. Tapos yung boys pa nag-rice na.. hehehe.. Si tinn, umorder ng fishball, nakihingi nalang ako.. hehehe. tapos si pj nagmamadali na kasi susunduin pa niya mom niya. We were waiting for Mela as well, kasi ang tagal niya dumating, then suddenly dumating na din siya so we rode pat's car then headed back home.

Pag-uwi, kinuha lang ni pj gamit niya tapos umalis na siya. Si Mela naman ang seryo-seryoso and I noticed she wasn't fine. Ayaw niya kaming kausapin and it really made me sad. Tinawagan ako ni Ate Jet sa phone and she said thursday pa siya uwi. Wala rin si ate kai kasi last day ng anniv ng meralco.

Maya-maya naisipan nilang bumili ng ice cream sa Mini Stop. So naiwan kaming dalawa ni tinn sa bahay. Pagdating nila, binigay nila samin ung ice cream. Rocky road flavor nung akin. While tinn and I were eating, kinausap ng boys si Mela sa terrace. Anyway, sabi niya sakin pagpasok niya sa loob ng bahay, "Jem, mag-usap tayo sa labas." sumunod naman ako sa kanya to hear her side. She explained to me why she behaved that way. Pero I was crying na, kasi nun nalang kami ulit nagkita tapos ganun pa. Sinabi rin niya na she was mad to a certain person, pero hindi ako yun. I was kind of relieved kasi kala ko kung ano na naman. After that short conversation, pumasok na kami ulit and ok na.

Pinanood na lang namin si Ryan Agoncillo sa 1 vs 100.. hehehe.. Sayang, natalo siya ng 1 mob member.. hehehe. Maya-maya dumating na din si Daddy and it was around 9:30pm na so they decided to go home na rin. May tatlong nanghiram ng dvd. Nilagay ko na dito para di ko makalimutan. hehehe. Anyway, it was a such a memorable day, kahit na simple lang mga ginawa namin.

Thank you so much sa warm bloodedz & friends. =)

At ngayon, palm sunday na. Holy week na! haaayy.. hope everything goes fine for the week. :)

Thursday, March 13, 2008

files..

kakatapos ko lang mag-scan ng files, files ng stay ko sa Makati Med nung October. Mga 20 pages yun. Sabi sakin ni daddy, i-scan ko daw at isend kay mommy. Dahil gabi na, ok lang daw kahit bukas ko na lang ipadala. Wala naman akong ibang gagawin kaya naisipan kong i-scan na ang mga yun at isend nlang bukas ng umaga.

Nabasa ko ang mga nakasulat, karamihan dun ay mga presyo at gastusin ng mga gamot ko. Kasama din ang bayad sa pagpapa-MRI at kung anu-ano pa. Nakita ko ang mga presyo, at nalungkot na naman ako.

Naisip kong napakalaki pala talaga ng nagastos ng parents ko sa Makati Med. kung ia-add lahat, aabot ng 6 digits ang kabuuang gastusin. Habang tinitingnan ko ang bawat pahina, lalo lang ako nalulungkot at napapaisip.. kaya hindi ko nlang tiningnan ang mga papel na sunud-sunod kong ini-scan.

Haaaay, di ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Pero wag kayo ma-alala, ayos lang ako. Maya-maya ay matutulog na rin ako. At baka sakaling bukas, hindi ko na masyadong maisip ang mga papeles na yon.

Haaaay.. good night. (-_-)

Friday, March 07, 2008

...

Nagtatampo ako...

kanino? hmmm.. sa mga taong matagal ko nang hindi nakikita... Kasi feeling ko hindi sila nag-eexert ng effort ehh.. lam ko namang busy sila at maraming ginagawa.. pero hindi ba sila makahanap kahit isang araw lang? para sakin? Sobrang miss ko na kasi sila.. kaya ko siguro nasasabi tong mga to.. Gusto ko lang naman sila makita at makausap ulit kahit saglit lang.. Yung malaman ko lang kung kamusta na ba sila... Ang tagal ko na silang hindi nakakasama.. Sana one day magkita-kita kami ulit.. and i hope it will be SOON.

miss ko na ang waywanel. ='(