kakatapos ko lang mag-scan ng files, files ng stay ko sa Makati Med nung October. Mga 20 pages yun. Sabi sakin ni daddy, i-scan ko daw at isend kay mommy. Dahil gabi na, ok lang daw kahit bukas ko na lang ipadala. Wala naman akong ibang gagawin kaya naisipan kong i-scan na ang mga yun at isend nlang bukas ng umaga.
Nabasa ko ang mga nakasulat, karamihan dun ay mga presyo at gastusin ng mga gamot ko. Kasama din ang bayad sa pagpapa-MRI at kung anu-ano pa. Nakita ko ang mga presyo, at nalungkot na naman ako.
Naisip kong napakalaki pala talaga ng nagastos ng parents ko sa Makati Med. kung ia-add lahat, aabot ng 6 digits ang kabuuang gastusin. Habang tinitingnan ko ang bawat pahina, lalo lang ako nalulungkot at napapaisip.. kaya hindi ko nlang tiningnan ang mga papel na sunud-sunod kong ini-scan.
Haaaay, di ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Pero wag kayo ma-alala, ayos lang ako. Maya-maya ay matutulog na rin ako. At baka sakaling bukas, hindi ko na masyadong maisip ang mga papeles na yon.
Haaaay.. good night. (-_-)
Thursday, March 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment