Sa pag-graduate ko, ako ang gagawa ng plano para sa mga tulay. Ang haba, ang tatag, ang lugar - lahat ng iyan, ako ang magpapasya. Pero di ko kayang pagpasyahan ang haba ng panahong magugustuhan mo siya, ang tatag ng inyong pag-iibigan at ang lugar na sakop niya sa iyong puso. Madaling magplano sa paggawa ng tulay pagka-graduate ko. Mas mahirap ang maging tulay.
* * *
Sabi mo nagkakilala tayo sa maling panahon. Gusto mo itama muna ang lahat bago tayo magmahalan. Meron bang tamang panahon para magmahal ng totoo?

Kahit pinupuso ako 'pag umiinom ng kape, kasama mo akong nag-e-espresso. Kahit allergic ako sa bagoong, kahati mo ako sa isang plato ng bagoong rice. Kahit engineering ako, sumasali ako sa cheering ng org mo sa palaCASan. Lahat ginagawa ko para sa yo. Pero hindi ba pwedeng maging patas tayo sa ating relasyon? Hindi ba pwedeng maging balanse ang bigayan? Sana ang pag-ibig parang equation, pare-pareho ang kalalabasang bigayan ng
dalawang panig 'pagkat sa gitna ng relasyon, madiin ang equal sign.

Bihira na ang bituin sa gabi kapag tag-ulan. Natatakpan ng maitim na ulap ang kinang. Tumingin ka sa mga mata ko, may nag-iisang bituing kumikislap kahit anong itim ng ulap dahil sa ulan. Hindi pumupusyaw, patuloy na nagliliwanag. Ikaw yan, iyong palatandaan.

Kahapon pinakopya kita sa exam. Kanina, ako ang nagpa-xerox ng readings para sa yo. Ngayon, gusto mong gayahin ang research paper ko. Sana magawa mo ring kopyahin ang kabaitan ko, ipa-xerox ang malasakit ko sayo at gayahin ang pag-ibig ko sa yo.

Nasaulo mo na ang C++ at Pascual languages. Uno ka nga sa CMSC11 class mo di ba? Pero hanggang ngayon hindi mo pa rin masaulo ang lenggwahe ng puso ko. Nananatili kang ignorante sa mga salita at bulag sa mensaheng pinapaalala nito sa tuwing makikita mo akong nakatingin sa iyo habang kumakain ka sa tindahan sa Physci. Sana meron din akong C++ at Pascal, para kahit papaano, naiintindihan mo rin ako.

Kaklase kita sa Math11. Bagsak ka, uno ako. Pero di ka nasilaw sa aking uno. Sa puso mo, sana payagan mo akong mag-take two.

Marami na akong napanalunang tropeo nung high school. Kung hindi ako college scholar, university scholar naman. Pero hindi ako niyayakap ng mga tropeo sa gabi. Hindi ako hinahagkan ng mga certificate kung malungkot ako't may suliranin. Sa iyo ang yakap at halik na di mapapantayan ng anumang certificate o tropeo.

ICEBAG 6
DL UMALI AUDITORIUM
AUGUST 8, 9, 10 / 7PM
[Hindi po ako ang nag-isip niyan.. natuwa lang ako sa teasers nila.. ehehe.. (nag-plug?!) haha.. nood kau! =) ]

No comments:
Post a Comment