Kung sumali ako sa Deal or No Deal, makuha ko kaya yung briefcase na may 4 Million pesos?
Kanina, mga labing-apat na oras ang nakakalipas, nag-meeting kami ng groupmates ko sa nasc4. Kailangan namin mag-report sa wednesday tungkol sa Ozone Hole. Dahil last week of classes na, sobrang dami nang ginagawa/exams/papers at kung anu-ano pa. Dahil diyan, walang may gustong gumawa ng report namin. Nagparamihan pa kami ng exams.. Lima ang exam ko sa week na to. Dagdagan mo pa ng isang mahirap na project. Tapos, sabi nung isa, "oh, sino bang takot bumagsak diyan? Dapat sila nag-vo-volunteer eh." Toink! Ako ata yun ahh, tingin ko kasi mababa class standing ko sa subject na un. Buti nalang, pumayag nang gumawa ng written report yung isang lalaki. Haaayy, salamat.
Ang problema naman, walang nag-vo-volunteer magreport. Sabi nila, bunutan na lang daw para "fair". Lahat pumayag, patas nga naman ang ganun. Kumuha sila ng walong maliliit na papel, tapos yung isa sinulatan nila ng ballpen. Kinrumple nila lahat yun, tapos, sabi ng lalaking gagawa ng written report: "Oh, yung Globe lang ha, globe lang ang pwede. hehe." Toink! Teka, ako ulit yun ehh. Kinabahan na ako. Kinalat nila yung crumpled papers sa sahig, at sabay-sabay kami kumuha ng papel.
Guess what?
Oo, ako. Ako na lang lagi, puro na lang ako! Ako! Ako!
Kung 'sinuswerte' ka nga naman ohh.. Ako ang nakabunot ng papel na yun. Kaya pala ako kinabahan. Tama ang hinala ko, sakin rin mauuwi ang responsibility na ayaw nilang kunin.
haayy.
Siguro nga kung sumali ako sa Deal or No Deal, milyonarya na ako.
Monday, March 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment